Medyo pahirapan ito ngayon ang pagpili ng mga
maiimpluwensiyang blogs, kasi naman bihira na ngayon ang mga bagong blogs na matatawag kong..."influential."
Di ko na siguro i-e-explain kung bakit ko binoto ang mga iboboto ko. Basta binabasa ko lang ang mga blogs na ito, at palagay ko kahit papano'y may impluwensiya sila sa blogosphere. Pero dahil iba ang iniikutan kong mundo ng blogosphere sa iniikutan mong mundo ng blogosphere, eh malamang di mo alam karamihan ng mga iboboto.
As usual, Pinoy blogs ang iboboto ko. Kawawa naman ang mga blogs sa ibang bansa, pero mas in tune kasi talaga ako sa Pinoy blogs. Marami akong binabasang foreign blogs pero matagal ko na silang kilala kasi, bago pa man umusbong ng husto ang blogging sa Pilipinas.
Singit lang. Pag sinabing maimpluwensiya, di naman kelangang ibig sabihin eh sa mabuting paraan, diba? Harharhar. Pero sa totoo lang, kung ayaw ko ang subject ng blog mo, di ko ito iboboto. Sensya na. Walang personalan. Preferences lang. :p
- Filipino Voices - Collaborative blog ng iba't ibang political and not-so-political bloggers, anuman ang ideolohiyang sinusundan nila...Well, judging from some bloggers na napasama 'run anyway.
- New Philippine Revolution - Abot ito! Ewan ko ba, basta hooked ako sa blog niya. Actually, kung tutuusin, nito nito ko lang din nalaman ang blog niya eh, ilang buwan pa lang. Pero, basta, lagi kong binabasa.
- Visit Sagada - Call it pitching na rin for this blog. Gusto ko rin kasi makapunta sa Sagada. Tsaka free online advertisement na rin ito, hehe. Malaki ang potensyal nitong maging isang maimpluwensyang tool para sa turismo sa Sagada.
- The NOT So Talented Mr. Montano - Tinatanong pa ba 'yan? Pangalang Brian Gorrell pa lang, alam mo na. Insulto man ito sa ilan, ang listahan na ito ay para sa mga maiimpluwensiyang blogs, at di naman natin maitatangging naging mainpluwensiya ito, diba?
- Fritzified - Nung nalaman kong pwede pala iboto itong blog ni Fritz, nasa lineup ko na agad ito. Buti na lang abot. Kala ko kasi hindi. ^_^
- Among Ed - Blog ni Among Ed Panlilio tungkol sa mabuting panunungkulan. Palagay ko we need more blogs like this one.
- Jun Lozada - Sa totoo lang, nagdadalang-isip ako rito. Ma-impluwensya nga bang matatawag ang blog ni jLo? Kung pagbabasehan ang comments, siguro. Pero pare-pareho lang din naman ang mga
nagmumura nambabastos nag-iiwan ng "komento" kaya ewan ko lang. - Bloggers' Kapihan - Hehe, qualified pala ang BK! BK always comes up with socially-relevant events.Tumulong din ang BK sa pag-launch ng 2 blogs na nasa listahang ito.
- Manila Foodistas - Kung tutuusin medyo galit ako sa blog na ito, kasi nakakainggit. Wala akong pera para i-try yung mga nire-review nila; hanggang litrato lang ako. Hehe. Pero kahit na, madalas ko rin binabasa itong blog na ito.
- Missing Carlo - Blog ni Mica tungkol sa kapatid niya, na mayroong autism, na nasa England ngayon.
Eto yung
listahan ng mga binoto ko last year. Eto naman yung
mga pag-a-alinlangan ko sa writing project na ito na sinulat ko after nung event.